Tuesday, March 3, 2015

Lalaki ipinadampot sa mga pulis matapos nag-trespassing

Ipinadampot ng may-ari ng bahay sa So. Sinagpa, Brgy. Balabag, Isla ng Boracay, Malay, Aklan ang isang lalaki matapos mapag-alamang ito ay nagtrespassing sa kanilang residential area kaninang madaling araw.

Batay sa police blotter, 3:50 ng umaga nakita umano ng may-ari ng bahay na si Ma. Florencia Alvares y Baldisimo, 25 taon-gulang at kasalukuyang nakatira sa nabanggit nalugar, ang suspek na nasaloob ng kanilang bakuran na napapalibutan ng bakod na yari sa barbed wire at ilang light materials.

Kasama ang isang saksi na nakilala kay Estilito Baldsimo III y Apruebo, 34 anyos, agad nilang nilapitan ang nasabing lalaki upang kausapin ito.

Nakilala ito kay George Gen Patricio y Bermil, 18 taon-gulang, at residente ng parehong lugar. Paliwanag niya na siya ay nagsasagawa ng survey sa loob ng nasabing area at hinanap nito ang walo pa niyang kasamahan.

Wala namang naipakitang ID ang suspek matapos itong hanapan ng mga nasa bahay.

Napagkasanduan naman ng dalawang panig sa tanggapan ng Boracay Tourist Assistance Center na ayusin ang nasabing nangyari sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment