Tuesday, March 17, 2015

33 anyos na lalaki huli sa kasong pagtutulak ng druga

Hindi na nakapalag pa ang isang 33 anyos na lalaki na may warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o pagtutulak ng druga matapos mahuli ng pinagsanib-puwersa ng kapulisan ng Iloilo at Boracay kahapon sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Isla ng Boracay.

Ang lalaki ay nakilala kay Anthony Aparecio y Concepcion, tubong Brgy. Tabucan, Barutac Nuevo, Iloilo at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Hinuli ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Rene S. Hortillo, assisting judge ng RTC 6th Judicial Region branch 68, Dumangas, Iloilo noong June 18, 2014.

Ang kapulisan ng Iloilo ay pinangunahan ni PSI Roy Rodrigo Gutierez, platoon leader ng 3rd Manuever Platoon ng Iloilo Provincial Public Safety Company. Pinangunahan naman ni PSI Fidel Gentallan sa ilalim ng direktang superbisyon ng OIC PSI Frensy Andrade ang mga tauhan ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.

Ang suspek ngayon ay nasa lock-up cell na ng Boracay PNP station habang inihahandang dalhin sa nabanggit na korte sa kaukulang disposisyon. Nabatid na ito ay walang kaukulang piyensa.

No comments:

Post a Comment