Monday, March 23, 2015

Opisina ng MRF nilooban; suspek timbog

Sa kulungan ang bagsak ng suspek sa pagnanakaw ng tipbox na naglalaman ng hindi pa nabilang na halaga ng pera na naglalaman ng kapwa barya at peso bill sa opisina ng MRF sa Brgy. Balabag, Isla ng Boracay.

Dakong 12:30 ng madaling araw napag-alaman ni Jay Coching y Manuel, 23 anyos, napag-alaman nito na nawawala na ang tipbox na yari sa glass gallon.

Nakita na lamang ng isang truck driver na si Gelbert Magbato na ang nasabing tipbox ay basag na sa harap ng mini bulldozer sa loob ng bakuran ng MRF at nagkalat na ang mga barya na may bakas ng dugo, marahil dugo ng suspek matapos masugatan sa binasag na tipbox.

Positibo namang kinilala ni Maharin Ortega nag suspek matapos nakita nito ang kahihinalang pagpasok sa opisina at sa kanyang paglabas na may tinatago sa loob ng kanyang tshirt banda 11:30 ng gabi. Agad naman nitong ipinagbigay alam ang kanyang nakita kay Jay Coching.

Sinubukan pang hanapin ni Coching ang suspek sa bakuran ng MRF pero sa huli ay nakita nito ito sa labas na kumakain sa isnag restaurant sa nasabing Barangay.

Ang susepk ay dinala muna sa MRF office saka inaresto ng mga rumespondeng kapulisan ng Boracay at ngayon ay nasa kustodiya ng Boracay PNP station para sa kaukulang disposisyon.

Napag-alaman na ang suspek ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin.

No comments:

Post a Comment