Monday, March 16, 2015

58 anyos na lalaki pinagsasaksak; suspek kulong

Nagtamo ng ilang sugat sa katawan ang isang 58 anyos na construction worker na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng suspek kagabi sa isang konstruksiyon area sa Brgy. Balabag, Isla ng Boracay.

Batay sa report ng BTAC o Boracay Tourist Assistance Center, nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa kasamahan nito sa trabaho sa ginagawang gusali ng mangyari ang insidente. Ang biktima ay nakilala kay Eliseo Dela Cruz y Montales, 58 anyos at tubong Negros Occidental.

Bigla umanong dumaan ang suspek na si Rogie Casilagan y Compasion, aka Panoy, 34 anyos at tubo rin ng Negros Occidental, construction worker din ng ibang kompaniya, nang bigla nitong pinagsaksak ang biktima sa di malamang dahilan at tumakas.

Isinugod naman sa lokal na pagamutan ng CSTH memorial hospital ang biktima upang malapatan ng kaukulang paggamot.

Habang ang mga kapulisan ay nagsagaw ng agaran hot pursuit operation na nagresulta naman sa pagkahuli ng suspek sa Station 2
sa Isla ng Boracay at ngayon ay nasa kustodiya na ng Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment