Monday, March 16, 2015

Babae na may mga saksak sa katawan natagpuang patay

Patay na ang isang babae nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa So. Lugutan, Brgy. Manocmanoc, sa Isla ng Boracay kahapon matapos itong magtamo ng ilang pananaksak sa katawan.

Nakilala ang biktima na si Dona Vivas, 26-30 anyos, at tubong Leyte at presenteng naninirahan sa nabanggit na lugar. 

Ayon sa blotter entry ng Boracay Toursit Assistance Center o BTAC na unang natagpuan ang patay na katawan ng babae banda 5:30 umaga. Una rito may mga nakarinig na residente 2:30 ng madaling araw may narinig umano silang nagsisigaw na babae sa kalapit pero hindi na ito pinansin.

Ipinagkatiwala naman ng mga kapulisan ang bangkay sa SOCO Boracay Sattelite Office para sa pag-utopsiya ng bangkay.

Samanatala, pinag-aaralan na ng mga kapulisan ang motibo ng pagpatay sa babae.

No comments:

Post a Comment