Tuesday, March 17, 2015

Cellphone shop ninakawan; magnanakaw huli sa CCTV

Napasok ng magnanakaw ang isang gadget shop sa Isla ng Boracay partikular sa So. Manggayad, Brgy. Manocmanoc kagabi. 
Nakuha rito ang isang yunit ng cellphone na nagkakahalaga ng halos 11, 000. Ang nasabing cellphone na ibinibenta ay nakadisplay sa naturang shop.

Napag-alaman sa kuha ng CCTV sa lugar na isang hindi nakikilalang lalaki na nakasuot ng sumbrero ang kumuha sa nasabing gadget.

Ang pangyayaring ito ay mianbuting ipinarekord ni Ramil Fernando, 36 anyos, at residente ng nasabing lugar. 

No comments:

Post a Comment