Monday, March 16, 2015

60 anyos na babae nahuli sa kasong pagnanakaw at estafa

Nahuli ng Boracay PNP ang isang 60 anyos na babae sa So. Manggayad, Brgy. Manocmanoc, Isla ng Boracay sa kasong pagnanakaw at esatafa.

Kinilala ito kay Eden Bersaba y Rollon na ninirahan sa nabanggit na lugar.

Ang nasabing persona ay inakusahan ng pagnanakaw na inihain noong Nobyembre 2013 na may piyansang 12, 000 pesos at estafa na unang inindorso Hulyo 2014 na may piyansang 6, 000.00. Ang mga warrant of arrest ay inilabas ni Hon. maribel Cipriano, assisting judge ng 5th MCTC, 6th Judicial Region, Buruanga-Malay.

Ay suspek ay nasa kustodiya na ng istasyon ng nasabing lugar.

No comments:

Post a Comment