Friday, March 13, 2015

American national pinagsisipa ng 2 bouncer

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang American national matapos pagsisipain ng 2 bouncer sa isang bar sa Brgy. Balabag, Isla ng Boracay, Malay, Aklan kagabi ng hating gabi.

Ayon sa biktima na kinilala kay Michael Helton, 24 anyos at isang turista sa Isla, habang ito ay nasa counter ng isang bar sa nabanggit na lugar, hinigaan umano ito ng isang bouncer ng bayad. Bagay na tinanggihan ng American national dahil hindi naman umano ito nagsayaw sa dance floor.

Dahil rito, minabuti ng biktima na umalis sa naturang lugar. Hindi nito akalain hinila ng bouncer ang kanyang mamahaling damit habang ito ay nakatalikod at doon na pinagtulungan kasam ng isa pang bouncer na pagsisipain ang biktima.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso, sa kaliwang likuran, at sa kanyang ari.

Kinilala naman ang mga bouncer na ito na sina Darrel Laureño, 22 anyos, at James Tangal, 24 anyos.

Iniimbestigahan pa ng mga kapulisan ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment