Wednesday, March 18, 2015

Lalaki tinangay ang 50K na dapat pansahod sa mga trabahador

Hindi na matagpuan pa ang isang lalaki pinagkakatiwalaan upang magpasahod sa mga trabante sa isang construction sa Brgy. Balabag ito ay matapos niyang tangayin ang pera ng may-ari na dapat ay suweldo ng mga tao.

Ayon sa salaysay ni Wilhelmina Baltazar, 48 anyos, may-ari ng nasabing construction, kasama si John Jun Cabading, 44 anyos, katiwala ng may-ari, humingi umano ng perang 50, 000.00 pesos ang suspek kasama si Cabading pansahod ng mga tao. 

Pinadala naman ng may-ari ang pera sa pamamagitan ng isang pera padala na natanggap ng suspek. 

Laking gulat nalang ng may-ari ng sugurin siya ng mga trabahador dahil di pa umano sila nasasahuran. Dito napag-alaman ng may-ari na tinangay ng suspek ang pera.

Lumalabas pa ayon kay Baltazar, na dapat umano siyang managot sa nangyari o kung hi
ndi ay ipaparating nila ito sa DOLE o sa Radio Birada! para sa kaukulang aksiyon base sa text na natanggap nito.

Nasa imbestigasyon pa ng mga kapulisan ang pagkadakit o pagkahuli sa suspek.

No comments:

Post a Comment