Monday, March 23, 2015

Dalawang Chinese national ninakawan sa kuwarto

Luhuan ng dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center PNP station ang dalawang Chinese national na pawang bakayunista sa Isla ng Boracay ito ay matapos silang manakawan sa loob mismo ng tinutuluyan nilang resort sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, Isla ng Boracay.


Nagising na lamang ang dalawang bisita na hindi manlang napansin ang panloloob sa kanila. Nakilala ang dalawa na sina Yin Hung Yuen,babae, 39 anyos, at Min Cheng, lalaki, 36 anyos.

Base sa ulat ng PNP blotter, nakuha sa babae ang kanyang Hong Kong ID, humigit-kumulang P10, 000, daimond ring, credit card. Samantala, nakuha naman kay Meng Cheng ang Hong Kong ID, Hong Kong dollar na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2, 000, at humigit-kumulang na 200USD, at humigit-kumulang P20, 000, at isang credit card.

Ayon sa mga biktima, hindi umano nila mailock ang bintana ng kanilang kuwarto kaya iniwan na lamang itong bukas bago natulog.

Ang pagkakilanlan ng suspek ay kasalukuyan pang inaalam ng mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment