Wednesday, March 18, 2015

German national binugbog ng tatlong lalaki

Binugbog ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki ang isang German national sa Station 1, Brgy. Balabag Isla ng Boracay kaninang madakling araw.

Salaysay ng biktima na si Guangtu Zuo, 30 anyos at presenteng naninirahan sa isang resort sa Brgy. Balabag, na bigla na lamang umano siyang tinambangan ng tatlo sa daan habang naglalakad ito. Sinuntok umano siya ng isa sa kanang tainga dahilan para magtamo ito ng pananakit.

Bigla namang tumakas ang mga suspek patungo sa Station 2 na direksiyon. Sinubukan pang habulin ng biktima ang mga ito pero hindi na niya ito nakita pa.

Sa follow-up investigation ng kapulisan, napag-alaman na walang testigo o nakakita sa nangyari bagaman natukoy kung saan ang iksaktong lokasyon ng pinangyarihan ng insidente.

Ang kasong ito ay nasa imbestigasyon pa ng kapulisan ng Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment