Wednesday, March 11, 2015

Russian national nawalan ng pera sa safetybox ng kanyang kuwarto

Nakapagtatakang nawalan ng pera ang isang Russian National sa loob ng safety box o vault sa loob pa mismo ng kanyang kuwarto sa isang resort sa D' Talipapa, Brgy. Balabag, sa Isla ng Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP station, nawalan ng P15, 000.00  at USD110 ang biktima na kinilala kay Evgenii Semenov, lalaki, 27 anyos. Inilagay umano niya sa naturang box ang perang nagkakahalaga ng P37, 000.00 at USD110 nang ito ay mag-check-in sa nasabing resort at nakasecured ng password at lock. 

Laking gulat nito ng kahapon ng hapon na nang buksan nito ay P22, 000.00 at USD30 nalang ang natira dito.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, walang CCTV camera sa lobby ng resort. Napag-alaman rin na wala manlang nakitang pamumuwersa sa pinto, bintana at maging sa vault. Nabatid na ang may kopya ng susi ng kuwarto ang front office officer na nasa kanilang kontrol at tanging ang housekeeping lamang ang puwedeng pumasok rito.

Ayon naman sa housekeeper ng resort, hindi ito an unag beses na nangyari ang magkatulad na insidente sa lugar kaya marami umanong mga naunang empleyado na ang umalis rito.

Wala namang matibay na ebedinsiya ang imbestigador sa kasong ito para malaman ang magnanakaw gayunman ay hindi nila isansantabi ang posibilidada ang katotohanan na ang ganoong halaga ng pera na nawawala ay talagang nandoon.

Inirekomenda naman ng mga kapulisan na magkaroon ng polygraph test sa bawat taong presente sa lugar at panahon ng mangyari ang naturang insidente upang matukoy ng imbestigador ang posibleng magnanakaw.

No comments:

Post a Comment