Photo courtesy of Google search |
Isang linggo na ngayong Huwebes ng bumisita sa Isla ng Boracay si Congressman Teodorico Haresco ng probinsiya ng Aklan upang silipin ang ilang problema sa kaayusan ng lugar, kabilang na rito ang mainroad na nakatakdang laparan gayunman ay hindi parin nasisimulan.
Kabilang sa mga isyung kinakaharap sa pangunahing kalsada ng Boracay ay binabaha ito bagaman hindi nag-uulan, maliban pa sa masikip at baku-bako.
Ang nasabing pagbisita rito ng Kongresman ay para sana tukuying ang mga spisipikong lugar upang mapagtuonan ng pansin at mabigyan ng kaukulan at agarang aksiyon para sa paghahanda sa nalalapit na na APEC o Asia Pacific Economic Conference dito sa lugar pero anong nangayari--ang mabubuting tao, nagkandarapang pasipsipan ang mga bahaing lugar kaya naman pagdating ng kongresman, ayun walang nakita!
Bakit iyan ba ang solusyon? Tama, pansamantala puwedeng gawin yan pero ang pauli-ulit na lang, ay, nagpapakita nayan ng pagsasawalang bahala. Ibig sabihin pa, OKEY LANG!
O di naman kaya ay dala lang ng takot kaya pinagtakpan ang mga kabulukang ito!
Paano na iyan, talaga bang nagpaalaman ng Kongresman ang katotohan o di kaya'y nagmaang-maangan lang, mga taong akala mo'y matalino pero naging bobo!
Mga sangkot at kinauukulan, isipin natin kapag hindi ito nabigyan ng pansin, sana'y naisip niyo, malaking kahihiyan sa mga malalaking opisyal sa loob at labas ng bansa at matataas na tao na kalahok sa APEC pagdating nila.
Aminin man at sa hindi, ito ay kahihiyan na rin ngayon.
KAPALPAKAN HUWAG PAGTAKPAN!
Ipinadala ng isang concerned citizen
Boracay Island, Malay, Aklan
No comments:
Post a Comment