Pebrero 2007 ipinatupad ng pamahalaang probinsiyal ang ordenansa sa pagbabawal ng anumang sasakyang pandagat na magkarga at magdiskarga ng pasahero kahit saan man sa Isla ng Boracay maliban na lamang sa Cagban Port, sa Brgy. Manocmanoc.
Eksklusibong larawan ng barge na dumaong sa Puka Beach. Ang nasa larawan ay si Jimmy Bañares ng Radio Birada! |
Ito ang tinatawag na one-exit one-entry ordinance. Ang lalabag sa ordenansang ito ay pagmumultahin ng P3,000.00 sa unang paglabag at dalawang libong peso sa bawat tauhan nito.
Itong Huwebes lang isang Kristine Marie barge ang dumaong sa Puka Beach sa Brgy. Yapak sa Isla. Karga nito o ikinarga sa lugar na iyon ang mga mabibigat na kagamitan. Nangyari ito umaga kung saan halos alas-dose na ng tanghali ito tuluyang nakaalis.
Hindi pa sana ito aalis kung walang dumating na coastguard.
Ayon sa mga mamamayan doon hindi lang naman iyon ang unang beses na dumadaong doon ang nasabing barge.
Ngayon pikit-mata nalang ba ang mga opisyal ng nasabing barge.
Hindi ba't kapansin-pansin rin na walang bantay coastguard o tanod sa lugar na iyon gayung ito ay lugar na iyon gayung ito ay lugar na madalas daungan. Bakit kaya?
Ganoon na lamang ba kaluwang ang ordenansang iyon?
Ang pagdaong kasi ng mga sasakyang pandagat, lalu na ang mabibigat at malalki sa lugar, ay sumisira sa mapuputing buhangin, sa korales sa lugar at sa mga pinangangalagaang marine life doon. Nakakabuwesit o nakakadiskaril din kaya ito sa mga turista na masayang namamasayl at nagrerelax sa lugar.
Paano nalang kung tayong mga dapat ay nagpapatupad ay nagsasawalang-bahala dito?
Salamat na lang sa mga mamayang inuuna ang kapakanan ng Boracay.
Sana naman ay mapostingan na ng coastguard ang area.
Sana rin naman ay huwag ng maging pikit-mata sa nangyayari ang mga opisyal ng lugar doon.###
No comments:
Post a Comment