Ayon sa
biktima, nagkaroon umano ng sagutan ang kanyang ate sa suspek sa loob ng
kanilang bahay, bagay na inawat niya ang mga ito. Dahil sa pangingialam ng
biktima, hinamon ito ng suntukan ng suspek. Una namang sinuntok ng biktima ang
suspek sa kanyang mukha. Sa galit ng suspek, pagkatapos ay lumabas ito ng bahay
nang hindi inaasahan ay sinundan siya ng suspek at agad siyang sinaksak sa
kanyang likurang bahagi ng katawan dahilan upang magkaroon ito ng sugat.
Agad namang isinugod
sa lokal na bahay-pagamutan ang biktima. Pagkarekober nito ay personal itong
lumapit sa mga kapulisan upang magpablotter.
Agad namang
hinuli ang nabanggit na suspek at isinakostodiya ng Boracay police station.
No comments:
Post a Comment