"Kung sa sa akin lang ay kulang ang kapulisan dito sa Isla ng Boracay" ito ang pag-amin ng Officer-in-charge ngayon ng BTAC na si Police Senior Inspector Frensy C. Andrade sa panayam ng Radio Birada! sa kanya.
S/Ins. Frensy Andrade |
Napag-alaman na 109 pulis ang kasalukuyang nakadeploy sa buong Isla kabilang na sa hepe nito.
Posible umanong ipapadala ang 20 pulis sa lugar sa susunod na linggo.
Ayon pa kay Andrade, kung saka sakaling hindi maipadala ang nasabing bilang ng mga pulis, mapipilitan umano siyang bawasan ang kapulisan na nakadeploy sa front beach ng Isla, upang italaga sa mga lugar na wala halos nagbabantay gayun man ay madalas parin pinapangyarihan ng insidente at aksidente.
Tinutukan kasi ng mga kapulisan ang front beach dahil ito ay mataong lugar at sentro ng maraming mga aktibidad.
Samantala, ipinahayag din niya ang mga dapat pagtuunan ng kanyang pamumuno kabilang na dito ang pagbababa ng mga nakawan at kriminalidad sa Isla.
Nabanggit rin niya na gagamit sila ng mga pulis na nakasuot ng civilian upang magmanman sa mga lugar na pinapangyarihan ng nakawan.
Maliban rito, binanggit rin niya ang mga paghahanda na ginagawa ng mga kapulisan para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Conference o APEC sa Isla. nabatid na 700 pulis ang ipapadala ng region para rito.
Mensahe niya sa mga taumbayan na dapat ay magtulungan, "Nandito lang po kami, willing na willing maglingkod. Magtulungan lang po tayo... tulungan natin ang mga pulis," pahayag ni S/Ins. Andrade.
No comments:
Post a Comment