Kalibo airport. Photo courtesy of Wikipedia.com. |
Naglabas na ng relieve order ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP director general William Hotchkiss III laban sa Kalibo International Airport officer-in-charge Cynthia Aspera sa kanyang tungkulin noong Biyernes.
Suspendido rin ng isang buwan ang apat na CAAP personnel, dalawang security na sina Joel Itulid at Arnold Barreda at ang dalawang terminal fee inspector na sina Kenny Afable at Irene Andrade.
Lumalabas kasi sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng CAAP na mayroong kakulungan sa kontrol ng seguridad sa nasabing paliparan.
Matatandaan na isang baliw mula sa Patnungon, Antique na si Leah Reginio, 30 anyos ay nakasakay sa eroplano patungong Incheon, South Korea na wala manlang mga kaukulang dokumento ni ticket.
Kitang -kita naman ang kakulangan sa seguridad sa nangyaring ito. Sa totoo lang ay nakakatawa.
Isang matalinong baliw ang naisahan ang tinaguriang International airport ng bansa at isang pintuan sa sikat na Isla sa buong mundo--ang Boracay!
Paano nalang pala kung ang nakasakay ay isang terorista, nakalabas o nakapasok sa probinsiya dahil sa kapalpakang ito. Paano kung iyon pala ang most wanted terrorist ng mundo na si "Usman".
Tama lang ang pagrelieve kay Aspera! Pero kung tutuusin, sa aming palagay, ang apat na CAAP personnel ay kulang ang 30 dias na suspensiyon sa kanila para matuto.
Nakakatuwang isipin na noon ding Biyernes na 11 illegal workers pa sana ang tangkang lumusot sa parehong airport subalit napigilan o nahuli ng mga pulis.
Nabatid na ang karamihan sa kanila ay galing pang parteng Luzon. Marahil pumarito pa sila dahil sa binigyan sila ng impormasyon ng kanilang illegal recruiters ng impormasyon na madaling lusutan ang Kalibo airport. Napag-alaman kasi na walang mga kaukulang dukomento ang mga ito para magtrabaho sa ibang bansa na sana'y sa Malaysia, para makasakay ng eroplano.
Salamat na lang at relieved na si Aspera! Sana nga'y mapalitan na ng bagong mamamahala ang nasabing paliparan na magpapahalaga sa kapakanan ng bawat isa pagdating sa seguridad.
No comments:
Post a Comment