Front Beach ng Boracay. Photo courtesy of Google Search |
Halos araw-araw nalang, hindi mawawala ang theft, qualified theft, alleged theft, o robbery sa blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC Boracay police station, sabihin pang nakapako na.
Totoo, kung propesiyon ang pagiging pulis, propesyon din ang pagnanakaw.
Mahirap tukuyin ang mga magnanakaw at ang mga paraan nila pero dapat unahin ang seguridad, sapat na ang ilang ulit na nakawan.
Dapat ay maglagay ng baggage counter sa front beach para sa mga bisita walang mapaglagyan ng kanilang mga gamit para maligo at magtalaga ng guwardiya na babantay dito. Simple lang ang suhestiyon na yan, pero kung yan ay makabubuti, bakit hindi subukan.
Dagdagan din ang mga signagges sa front beach na nagbibigay paalala sa seguridad ng mga bisita at kung maaari ay lakihan upang makitang maigi ng mga bisita sa front beach.
Matuto naman tayo sa mga nangyayaring ito.
Kung sikat ang Isla ng Boracay dahil sa malaparaiso nitong tanawin, sumisikat rin ang Isla sa nakawan.
Payo rin sa mga resort, hotel management at maging sa lahat ng establishemento komersiyal na maglagay ng SAPAT na CCTV cameras sa mga gusaling ito.
Huwag manghinayang sa pagpondo rito dahil ang balik nito ay tiwala ng mga bisita sa kanailang seguridad at proteksiyon. Higit na malaking kawalan, sa kabaliktaran, kung may takot at pangamba ang mga turista sa lugar.
Dagadagan rin ang mga nagbabantay na guwardiya sa mga establisyementong ito.
Sa mga tourist guide, bigyang aral ang mga turista sa mga senaryong ito ganoon rin ang gawin ng mga may-ari at mga tauhan ng resort at hotel.
Hindi rin masisisi ang mga pulis kung hindi nakikiisa at mapagmatyag ang mga negosyanteng ito at mga bisita.
No comments:
Post a Comment