Bagyong Yolanda |
Isang taon at tatlong buwan na ang nakakalipas ng dumaan ang bagyong "Yolanda" sa probinsiya ng Aklan, at sa mga karatig probinsiya nito. Ito ang pinakamalakas na na bagyo na nangyari o tumama sa bansa sa kasaysayan ng mundo.
Maraming buhay ang nakitil. Maraming kabahayan at kabuhayan ang nasira. Masalimuot ang nangyari.
Ngunit tila bakit hanggang ngayon ay masalimuot parin ang buhay. Mahirap iwaglit ang pait ng nangyari kung ang tulong ng gobyerno ay para ring bagyo na nagwawasak ng tiwala.
Kagaya halimbawa sa Nabas, Aklan nagkandautang-utang ang mga tao para lang makakuha ng postal ID na kakailanganin umano upang makuha ang pinansiyal na tulong sa pabahay na P10K para sa partially damage at P30K para sa fully damage.
Ang pag-asa nga naman ng tao ay higit na sumigla para dito, pero kung gaano ka sabik ang mga ito, ay ganoon ding pait at kalbaryo ng sabihing wala pa naman pala. Ito ay matapos pang magpila ng matagal.
Nangyari ito bago magpasko. Hay! Kawawang Pasko! Kawawang Bagong Taon!
Dumaan na ang isa pang malakas na bagyo na "Ruby" noong Disyembre ng nakaraang taon. Ilang bagyo pa ba ang hihintayin bago magising ang mga ito?
Hindi ba't sana'y matanggap mo ang tulong sa panahong kailangan mo ito. May kasabihan ngang "aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo."
Kaya ba mabagal ay dahil naghahanap pa ng butas kung paano makakadukot? Huwag naman sana. Kawawa ang mga mamamayan. Tama na ang dumaang bagyo.
Sana naman maging kasinbilis ng bagyong "Yolanda" ang tulong ng gobyerno!
No comments:
Post a Comment