Kasalukuyang nagpapagaling ngayon ang isang Korean National
matapos magtamo ng pagbaril sa kanyang kilikili kaninang madaling araw sa Sitio
Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance
Center o BTAC banda 3:15 isang lalake ang nagbigay alam sa mga kapulisan na may
nangyaring pagpaputok ng baril sa nabanggit na lugar.
Sa pagreponde ng mga kapulisan ay naipadala na sa lokal na
ospital ng Boracay ang biktima na
kinilala kay Jinwoo Lee, lalake, 39 anyos at isang Korean national at
manager ng isang spa sa Isla ng Boracay.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, pauwi ang biktima galling
sa isang kilalang Korean restaurant sa Isla sa kanyang tinutuluyang apartment
sa naturang lugar nang mangyari ang pagbaril. Nang malapit na ito sa kanayng
apartment sa bandang madilim na bahagi ay bigla siyang nilapitan ng dalawang
hindi pa nakikilalang lalakeng mga suspek at nang walang ano mang matukoy na
dahilan ay bigla na lamang siyang binaril gamit ang hindi pa malamang kalibre.
Sa ngayon ay nasa Kalibo sa isang kilalang opsital upang
mabigyang ng lunas.
Ang kasong ito ay nasa ilalim pa ng patuloy na imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment