Wednesday, February 18, 2015

Kalibo unang makakataggap ng ESA

"Sa tingin ko, ang Kalibo ang unang nabigyan ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa probinsiya [ng Aklan]," pahayag ni Lolly Espino, local officer ng  Municipal Social Welfare and Development ng Kalibo sa panayam ng Radio Birada!

Ayon sa kanya, noong Lunes nagtungo ang tresurera ng Kalibo sa regional office ng Department of Social Welfare and Development upang makuha na ang tseke na nagkakahalaga ng P92.940 milyon para sa mga balidong  residente na tatanggap ng nasabing tulong pinansiyal sa nangyaring bagyong Yolanda.

Ang perang ito ay nakalaan para sa 9, 294 na mga biktima ng bagyo na nakalista sa partially damaged. Tatanggap ang mga ito ng tig-P10, 000.

"Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat Barangay na maiayos kaagad ang mga pangalan ng mga resienteng naapektuhan ng bagyo, agad naming na-isapinal ang aming lista at naipasa kaagad sa region."

Naka-iskedyul narin ang takdang pamamahagi ng pondong ito sa bawat Barangay. Hindi aniya ito mapagsasabay-sabay dahil hindi naman agad-agad makukuha ang buong halaga sa bangko.

Maaring simulan ito sa Huwebes o sa Biyernes.

No comments:

Post a Comment