Monday, February 9, 2015

Opinyon: E-trike ba ang solusyon?

Ang E-trike project ay isang inisyatibo ng LGU Malay sa pangunguna ni Mayor John Yap, na nagconciptualized ng ideya sa pagbuo sa Boracay bilang "e-trike island" simula nooong 2010. Ayon dito ang proyekto ay hindi lamang makakataas ng kapakinabangan sa mga drayber at operiytor  kundi makakabawas din ng polusyon sa hangin at ingay sa isla at dagdagatraksiyon pa sa mga dayuhan.

10 e-trikes mula sa Gerweiss Motors ay nagagamit na ng mga turista mula pa noong 2011. Ang durability ng mga e-trike na gawa sa fiberglass at mismong dinisenyo sa daanan ng Boracay ay napatunayan sa lahat ng mga yunit hanggang ngayon ay nag-ooperate. Ang Boracay e-trike ay dinibilop ng Gerweiss Motors na pinangunahan ng presidente at CEO nito na si Gerard Villoria, na nakatuon sa pangangailangan ng mga turista.

Ang e-trike ay maaaring makapagsakay ng 10 pasahero at maluwang para makapaglagay ng mga mabibigat na gamit gaya ng mga water sports equipment.

Nabatid na mahigit sa 500 mga tricycle ang kailangang mapalitan ng e-trike sa Isla. Kung mangyayari ito, na planong mapalitan lahat ng tricycle ang Boracay ay magiging kauna-unahan sa boung mundo na tourist destination na gumgamit ng e-trike.

Umaasa naman si Hon. Dante Pagsugiron, SB Malay e-trike committee chairman na ngayong taon tuluyan ng maface-out ang lahat ng mga traditional tricycle.

Bagaman maraming tricycle driver at operator ang umaalma dito, ang resulta ay magaganap lamang kapag tuluyan ng naganap ang proyektong ito.

Kung ito ang solusyon sa maingay na paligid bakit tayo kukuntra? ito ay makakadadag relaksisyon sa mga bisita sa Isla.

Kung ito ang paraan upang mabawasan na ang polusyon sa pinapangalagaang Isla, bakit hindi natin ito suportahan?

Kung ito ang kailangan para makadaradag pa tayo mga mandarayuhan, bakit tayo tututol?

Sana nga ay mangayri na itong taon.

1 comment:

  1. Pakicheck po yung mga spelling ninyo before posting anything..
    Ex: "nagconciptualized"

    ReplyDelete