Tuesday, May 12, 2015

Balitang Panahon: “Dodong” nakalabas na ng bansa; “Egay” naman ang papasok


Nasa labas na ngayon ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dodong’. Huling namataan ang bagyo sa layong 830km Northeast ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 110kph at pagbugsong 140kph. Inaasahang kikilos ito northeast sa bilis na 45kph.

Bagaman nakalabas na si Dodong may nagbabadya na namang panibagong sama ng panahon.

Ayon sa P­AGASA, hu­ling namataan higit 3,000 kilometro mula sa PAR line ang tropical storm na may inter­national name ‘Dolphin’.

Sa huling monitor, kumikilos ang panibagong sama ng panahon pakanluran hilagang-kanluran at patuloy ang paglakas habang papalapit ng bansa, at sakaling hindi lumihis ay papasok ng PAR ang bagyo at tatawagin itong “Egay”.

Inaasahan itong papasok sa PAR. Maari umano itong pumasok sa PAR sa weekend o early next week.

Samantal, ang lagay ng panahon ngayong araw, makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa. 

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-silangan hanggang silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.

No comments:

Post a Comment