RADIO BIRADA BORACAY—Inuulan ng reklamo ng mga residente partikular sa Isla ng Boracay ang istasyong ito ng radyo matapos magkaroon ng mahigit apat na oras na brown-out, mahaba kaysa sa inaasahang dalawang oras lamang ngayong umaga.
Matatandaan na binasa sa himpilang ito kahapon ang abiso ng Aklan Electric Cooperative na dalawang oras lamang ang nakatakdang brown-out o power interruption na magsisimula 5 ng umaga hanggang 7 ng umaga. Kabilang nga sa naapektuhan ng naturang interruption ay ang ilang Barangay sa Nabas, buong bayan ng Buruanga, buong bayan ng Malay kabilang na ang Isla ng Boracay.
Gayunpaman 9:30 na ng umaga bumalik ang kuryente.
Nabatid na maging ang mga kapulisan mula sa Region 6 na mahigit 3, 000 ang bilang ay nagrereklamo rin sa nangyaring ito. Nagsisiksikan kasi ang mga ito sa dalawang pampublikong eskuwelahan sa Isla ng Boracay para pansamantalang matirahan para sa isinasagawang augmentation sa mga kapulisan sa Boracay sa nalalapit na APEC ministerial meeting dito na magsisimula na sa 10 ng Mayo. Reklamo nila ang mainit na silid dahil walang kuryente para sana sa bentelasyon.
Sinubukang abutin ng ilang beses ng himpilang ito ang National Grid Corperation o NGCP, o kung saan kumukuha ang AKELCO ng supply ng kuryente para magpaliwanag sa taumbayan ganuon din ang AKELCO subalit hindi nila sinasagot ang mga tawag sa kanila.
Sa abisong nabanggit, ang nasabing interruption ay para sa pagsasaayos ng ilang linya ng kuryente bilang paghahanda sa darating na Asean Pacific Economic Cooperation meeting o APEC. Taliwas naman ito sa pahayag ng OIC ng AKELCO na si Engr. Pedro Nalangan IV ng sabihin nitong handing-handa na ang kanilang ahensiya para dito noong lingo bago paman nagkaroon ng mga ilang brown-out na narasan.
No comments:
Post a Comment