ISLA NG BORACAY--Umaasa parin ang National Organizing Council na ang nagpapatuloy ngayong Asia-Pacific Economic Cooperation Meeting o APEC Summit sa isla ay magdadala ng maraming turista dito sa kabila ng ulat na dahil sa nasabing meeting ay bumaba ngayon ang bilang ng mga turista.
Nabatid sa ulat ng Aklan Provincial Tourism office na umaabot ng 4, 500 ang mga bisita bawat araw na pumupunta rito sa isla ngayong buwan.
Ito ay kakaunti ng 6, 000 hanggang 7, 000 bawat araw kung wala ang pagpupulong ng APEC dito.
Paliwanag ni Asec. Charles Jose, APEC Person ng National Organizing Council, na lingid sa kanyang kaalaman ang pagbaba ng bilang ng turista sa Boracay.
Gayunpaman, inihayag nito na ang 21-bansang kalahok sa APEC ay pag-uusapan ang paglago ng turismo sa islang ito na magdadala ng higit pang mga bisita pagkatapos ng nasabing pagpupulong ngayon dito magmula Mayo-10 hanggang Mayo 24.
Napag-alaman na isa mga tinuturong dahilan ng ilang mga negosyanteng apekatado sa pagbaba ng mga bisita ay ang mahigpit umanong pamamalakad at seguridad ngayon sa isla kaugnay parin ng isinasagawang APEC meeting.
LARAWAN: Si Asec Charles Jose, APEC Spokesperson sa kanyang mensahe sa Press Breifing kanina sa Eco Village, Boracay, Aklan, Philippines.
No comments:
Post a Comment