Friday, May 29, 2015

Opinyon: Iskalawag na pulis, huwag pamarisan

Nagimbal ang lahat sa kalunos-lunos na nangyari sa maglolang sina Ma. Macogue at sa 8 taon gulang nitong apo sa Luguinbanwa East, Numancia, Aklan matapos sialng nakawan at tangkang patayin sa pamamagitan ng pananaga noong Pebrero ng taong ito.

Bagaman naisugod pa sa ospital ang lola ay hindi na rin ito nagtagal at binawian rin ng buhay. Balik normal naman ang bata sa ngayon.

Gayunpaman nagdala ng takot sa lahat ng tag-Aklan ang pagkatakas ng suspek pagkatapos ng malagim na krimen na maaaring gawin rin nito sa iba.

Salamat na lang at dahil sa agarang aksiyon ng mga kapulisan matapos magsagawa ng tactical interrogation ang mga awtoridad at kapulisan ng Numancia PNP ay nahuli ang suspek sa probinsiya ng Romblon.

Isang malaking tagumpay ang pagkahuli sa suspek na kinilalang si Glenmier Merano alyas Jason Yap sa pareho ding buwan. Dahil rito nausisa ng mga awtoridad kung saan napag-alaman sa suspek na kumukuha ito ng lakas ng loob sa protektor at trainer na pulis.

Matapos na makakuha ng karagdagang testigo, nasampahan na ngayon ng kasong administratibo sa opisina ng ombudsman ng Numancia PNP sa pangunguna ni PNP Chief P/Insp. Willian Aguire.

Ang naturang pulis ay nauna ng nadestino sa Camp Crame sa humaharap na sa kaso ng pangungutong. Nadestino rin ito sa Libacao at Numancia police stations at Isla ng Boracay kung saan niya nasanay ang mga kabataan lalu na si Glenmer.

Katunayan, kapansin-pansin na naging talamak ang mga nakawan at iba pang krimen sa Isla na kinasasangkutan ng mga menor de edad o mga kabataan. Isa nga sa posibleng dahilan nito ang kapasawayan ng naturang pulis, mismong dapat mamuno sa kaayusan at katahimikan, sa pagprotekta at pagsasanay niya sa mga ito.

 Huwag nawang pamarisan ang ganitong pulis. Salamat na ang isang bulok na kamatis ay naalis na sa iba pang bulok na kamatis upang huwag ng makasira pa sa iba pa.

Kung mayroon man itong naging kasama dito sa ganitong gawain, hiling namin na san ay maimbestigahan kaagad at maalis narin sa hanay ng mga kapulisan!



No comments:

Post a Comment