Sinampahan na ng kasong libelo o paninira ang batikang anchorman sa TV at radyo na si Ted Failon o kilala sa tunay na pangalang Mario Teodoro Failon ng may-ari ng kontrobersiyal na Boracay West Cove resort na si Crisostomo "Cris" Aquino.
Ang kasong ito ay kaugnay ng ginawang sunod-sunod na pambabatikos ng naturang media man sa kanyang palabas sa TV sa parehong "TV Patrol" at "Failon Ngayon", at maging sa programa nito sa radyo sa di umano'y sa maraming paglabag ng nabanggit na resort at sa kabila nito'y nag-ooperate parin.
Sa siyam na pahinang affidavit-complaint ng may-ari ng resort na isinampa nito sa Quezon City Hall of Justice noong Abril 23, maliban kay Ted Failon ay kasam rin sa kasong libelo si Maylynn "Nenette" Graff, opisyal ng Boracay Foundation at kasalukuyang kapitana ng Brgy. Motag sa bayan ng Malay matapos itong lumabas sa programang "Failon Ngayon" noong Marso 28 ng taong ito at nagpahayag na maaring may kinakapitan ang may-ari para sa operasyon ng kanyang resort .
Nakasaad sa ika-15 na talata ng affidavit ang pagtukoy ni Cris Aquino na nabayaran umano ng malaking halaga si Ted upang siraan ang kanilang resort. Personal nitong tinukoy si Mayor Virgilio Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija, matapos itong lumabas sa programa ni Ted na nagpahayag ng sama ng loob kay Cris sa kanilang agawan sa bahagi ng lupa na kinatitirikan ng nasabing resort.
Samantala, nakabinbin parin sa Korte Suprema ang inihaing motion for reconsideration ng panig ni Cris para sa operasyon ng kanilang resort matapos itong sapilitang ipinapasara ng lokal na pamahalaan at DENR dahil narin sa isyung pinupukol ng naturang anchorman.
No comments:
Post a Comment