Kapag narinig ng mga mamamayang Pilipino ang salitang politika, mabilis na pumapasok sa kanilang isipan ang kurapsiyon, katiwalaan, at karumihan sa pamamalakad ng bansa.
Kung sa bagay mahirap naring masisi ang mga Pilipino, dahil sa talamak na kurapsiyon na kinakaharap ng kasalukuyang administrasiyon maging ng mga naunang nanungkulan sa pamahalaan. Ang ganitong sistema ay tila isang siklo o pauli-ulit na lamang nangyayari.
Paliwanag ng Wikipedia, ang politika ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan.
Ngunit sa nangyayari ngayon sa ating gobyerno, marami ang nabubunyag at nagtuturuan na kung masiwalat ang kurapsiyon kanilang ginagawa ang nagsasawalang saysay sa tunay na kahulugan ng politika.
Imbes na makatulong sa mamamayan ay naging pasanin pa ang kanilang pagkahirang dahil sa pansariling intensiyon lamang. Kaya nga ang pumumulitika ng mga ito ang sumisira sa maayos sanang pamamalakad sa bansa.
Ang sa amin lang naman, hindi po sa dapat lang parusahan ang mga kumurakot sa pera ng taumbayan. Hindi na maibabalik ang pera ng kanilang pagkakulong sa halip kinabukasan ng nakararami ang nakataya dito dahil sa dapat sana’y magagandang proyekto para sa mamamayan subalit isa lang palang bula. “Ghost project” ang tawag diyan.
Dapat sa mga kaunting paglabag palang ng mga nanunungkulan, habang nasa mababang posisyon palang ay maparusahan na nang hindi na umabot sa malaki at sandamakal na kurapsiyon. Sugpuin dapat ang mga namumulitika na ang hangarin lamang ay sariling kasikatan, at bulsa!
No comments:
Post a Comment