Dagsa na ang mga bisita sa Isla ng Boracay, siksikan na sa Caticlan at Jetty port, at bagaman nagkaroon na ng bagong ruta ang mga sasakyan pagdating sa may D’ Mall, sa Brgy Balabag para sa kaayusan ng trapiko ay mabagal parin ang usad ng mga ito.
Inaasahang darami pa ang mga bisitang ito, kabilang na rito ang mahigit sa 2, 000 bisita mula sa 21 bansa na kalahok sa gagawing APEC Meeting sa Isla. Ito ay kauna-unahang mangyayari sa Boracay.
Dahil dito, unahin po ang seguridad at kaayusan sa mga bisita at hindi po sa sarili nating kapakanan—upang makilala lamang at umangat sa katungkulan o kaya’y dahil sa pera lamang!
Isip-isip naman po tayo!
Nakakatawa na basta na lamang naglalabas ng violations ang mga Municipal Auxialary Police o MAP sa Isla ng Boracay na hindi makaturungan. Ihalimbawa natin rito, hihintayin ng nakaposting na MAP sa NO loading at unloading area ang mga sasakyang nagpapasakay sa lugar saka ito huhulihin. Saan ang hustiya! Kung tunay ang inyong paglilingkod at ang layunin niyo ay kaayusan, aba’y dapat ngang unahin niyo ang kaayusan at hindi ang maghuli lamang.
Magiging maayos ang mga pasahero kung ituturo ng mga ito sila sa tamang babaan at sakayan. Yun po dapat ang trabahuhin niyo mga MAP members. Hindi na babantayan na lamang ang mga pasahero na sumakay saka huhulihin ang driver ng sasakyan at iisyuhan ng paglabag. Hindi po yan makaturungan.
Kayo po na nakakaalam ang maggabay sa mga bisita lalu’t karamihan sa mga yan ay baguhan lang sa Isla at minsa’y hindi napapansin ang mga signages. Nariyan po kayo upang magpaalala.
Ang mga drayber naman ay napipilitang magpasakay sa mga lugar na ipinagbabawal dahil kalimitan ay nandoon ang mga pasahero.
Ang aming panawagan sa mga opisyal ng Malay Auxiliary Police maging totoo naman po sana kayo sa trabaho niyo at hindi po dahil lamang sa sariling pag-angat. Hustiya lang po sa kalsada!
No comments:
Post a Comment