ISLA NG BORACAY--Sa kabila ng mahigpit na seguridad dahil sa kasalukuyang isinasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit Meeting na opisyal na nagsimula noong Mayo 10, araw ng Linggo, halos hindi mapaniwalaan na isa mismong delegado ng naturang pagpupulong ang ninakawan dito.
Hiniling ng kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC na panatilihing eksklusibo ang insidenteng ito dahil sa magsasagawa pa sila ng mabusising imbestigasyon sa nangayari.
Napag-alaman na isang British National ang lalaking delegado ng APEC ang nanakawan ito ay matapos personal itong dumulog sa nabanggit na himpilan ng pulis suot-suot ang kanyang I.D.
Nangyari ang pagnanakaw sa kanya, ayon sa inisyal na impormasyong nakuha ng Radio Birada! Boracay, sa pagitan ng alas-4:00 at alas-5:00 ng umaga sa harap ng isang malaking resort sa may Station 2.
Iniwan umano niya ang kanyang mat-book upang maligo subalit ilang minuto lamang ang nakalilipas ng balikan nito ang naturang gamit ay nawala na ito.
Kasama sa naturang mat-book ang perang nagkakahalaga ng 500 USD na nakalagay sa case nito.
Agad siyang nagtungo sa himpilan ng mga pulis subalit agad itong sinundo ng kanyang mga security personnel.
Tumanggi namang magbigay pahayag pa ang PNP sa nangyari.
No comments:
Post a Comment