Magsasagawa na naman ng “Gobyerno sa Baryo” ang pamahalaang panlalawigan ng Aklan sa araw ng Sabado. At sa pagkakataon ngang ito ay gagawin ito sa Malay Elementary School sa Balusbos, Malay, Aklan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. Joeben Miraflores, Cong. Teodorico Haresco, at Vice Gov. Bellie Quimpo, ito ay panlabing-apat nan a Gobyerno sa Baryo. Layunin ng programang ito na madala sa malalayong kabarangayan ang mga mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Katulad sa mga naisagawa na sa programang ito sa ibang mga bayan, Buena mano rito ang Provincial Engineer’s Office na mauna sa pagsasaayos ng mga kalsadahin at paghahanda ng mga pasilidad sa nabanggit na eskuwelahan na pagdarausan nito.
Kabilang sa mga serbisyo na dadalhin sa lugar ay medical at dental mission, feeding program, local and overseas job application, legal advices/ services, NSO services, Philhealth at SSS application, pamimigay ng mga lumber products para sa pagpapatayo ng bahay, pagtutuli, at marami pang iba.
Matatandaan na ang Gobierno sa Baryo ay una ng isinagawa sa mga bayan ng Libacao, Madalag, Malinao, Makato, Batan, Banga, Altavas, Balete, New Washington, Buruanga, Nabas, Numancia, at Lezo.
No comments:
Post a Comment