.jpg)
Ang biktima nakilala kay Rexon Mariano y Claud, 43 anyos at residente ng So. Din-iwid, Brgy. Balabag sa nasabing Isla. Samantala nakilala naman ang mga bumugbog sa kanya na sina Roger Bakunawa at Bobby Salonga, nasa legal na edad at pawang naninirahan sa So. Hagdan sa pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa salaysay ng biktima police blotter ng Boracay PNP station, dumalo ito ng birthday party ng anak ng suspek na si Bakunawa. Dahil sa kalasingan ay natulog ito sa balkunahe ng bahay ng suspek. Habang natutulog di umano ay binugbog ito ng dalawang nabanggit na mga suspek dahil upang magtamo ito ng pananakit sa katawan.
Ang nasabing kaso ay ibinaba ng nasabing istasyon ng pulisya sa Brgy. Justice System.
No comments:
Post a Comment