Bibilangin na lang ang araw at APEC Summit meeting na dito sa Isla ng Boracay. Ang APEC o Asian Pacific Economic Cooperation meeting ay gaganapin sa Mayo 10 hanggang 23 ng taong ito.
courtesy of www.travelblog.org |
Noong malayo pa ang nasabing meeting puspusan ang pagpapalno ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Malay partikular dito sa Isla ng Boracay kabilang dito ang pagsasaayos ng baku-bako at bahaing mainroad ng Isla at ganoon rin ang paglalagay ng street light o ilaw. Ang mga ganito kasing sistema ay nakakadismaya sa mga bisita at pinapangyarihan ng mga aksidente at insidente bagaman at matagal na itong suliranin.
Napagkasunduan na ng DPWH (Department of Public Works and Highways), ng lokal na pamahalaan, kasama na ng probinsiyal na pamahalaan na laparan ang mainroad para sa maayos na daloy ng trapiko. Sa kasalukuyan kasi ay siksikan na ang mga sasakyan sa kalsada. Sa mga naunang pahayag ang plano ay gagawin at matatapos bago ang naturang malaking pagpupulong sa Isla na dadaluhan lang naman ng may sa 5000 na bisita mula sa loob at labas ng bansa. Pero tila bakit hanggang ngayon ay wala paring nasisimulan.
Anong dahilan? Hindi kasi mangyayari o isasagaw ang plano kung hindi gi
gibain ang mga magkabilaang mga gusali na halos sanggang-dikit sa magsigilid ng kalsada. Bagaman nasabihan na amg mga may-ari ng gusali bago nila ipatayo ang kanilang mga gusali ay pinayagan parin silang gamitin ang natitirang area malapit sa kalsada habang wala pa ang nakatakdang proyekto.
Pero paano iyan? Ito ngayon iilan palang ang nag-aayos ng kanilang mga gusali o pagtibag sa mga ito sa mga area na saklaw ng widening project ng mainroad.
Samakatuwid hindi na ito maihahabol pa! Pero kahit manlang sana ayusin ang mga drainage at mg alinya ng tubig sa mga tabing kalsada ay hindi magawa-gawa dahilan upang magbaha sa mga ilang lugar kahit napakainit ng sikat nga araw.
Ang isa pa ang mga baku-bakong kalsada, Imposibleng kahit ang pondo ng tatlong barangay sa isla ay kulang para ipaayos ito kung ito ang kailangan para mapaganda at mapangalagaan ang isla.
Puspusan ang pagsasaayos at paglalapad ng provincial road ngayon. Siguradong matatapos ito bago mag-APEC summit.
Ang Boracay sana ang inuna dahil ito ang venue.
Dahil sa maling plano, huli na ang lahat!
No comments:
Post a Comment