Thursday, March 5, 2015

Bilihin sa Isla ng Boracay walang kontrol

Inirereklamo ng maraming mamimili sa Isla ng Boracay ang walang pakundangang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin maging sa mga palengkeng "pang-masa".

Wika pa ng mga ito na "pang-turista" ang mga bilihing ito.

Kagaya na lamang halimbawa ng noodles, nasa halip ay 7-10 peso lang ay nasa 12 pesos na.

Ito rin ang situwasyon sa iba pang bilihin kagaya ng asukal, gatas, sardinas, bigas atbp.

Inirereklamo rin ng taumbayan ang pagtaas din sa presyo ng mga isda.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Birada! Engr. Diosdado Cadina Jr, Director ng DTI (Department of Trade and Industry) Aklan ipinahayag nito na palagian naman silang nagmomonitor sa Isla may kaugnayan sa mga bilihin.

Ang presyo ng bilihin ay nakadepende umano sa tindahan kung saan ka bumibili. Paliwanag pa nito na ang Talipapa Bukid ay kinakailangang nasa pangmasa ang kanilang presyo. Abiso rin niya sa mga mamimiling katamtaman lang ang budget ay huwag nang makipagsiksikan pa sa mga lugar na ang mga paninda ang pangturista ang presyo.

Bagaman hindi nito tiyak kung malalagyan ba ng opisina ng nabanggit na ahensiya ng gobyerno sa lugar dahil narin sa kakulangan sa pondo, tiniyak naman nito na bukas ang kanilang opisina sa Kalibo para sagutin ang mga reklamo sa kanila. Nais nito na makipag-ugnayan din sa mga cellphone number na 0917-563-4553 o 0918-800-1108 para sa mga hinaing. Mangyari lamang na isama ang pangalan ng tindihan, kung anong aytem at brand nito.

Sa susunod na linggo ay magkakaroon uli ng inspeksiyon ang nasabing tanggapan sa Isla.

No comments:

Post a Comment