Noong nakaraang linggo lang ay tinanghal ng Malaysian Association of Travel and Tours (MATT) ang Boracay bilang Best Beach Tourist Destination.
Itong taon rin tinanghal naman ng Asia's Trip Advisory ang Boracay bilang nangungunang destinasyon sa sampung napilian na mga beaches sa buong Asya.
Boracay parin! Ito ay sa kabila ng mga isyung lumalabas kaugnay sa kalinisan at kaayusan ng Isla ito lang na mga nagdaang linggo. Isa na rito ang naiulat na ang tubig sabaybayin ng Isla ng Boracay partikular sa Bolabog beach ay kuntaminado ng colliform bacteria.
Tumaas rin ang bilang ng mga turista na dumadayo sa uang dalawang buwan kumpara sa nakaraang 2014. Nangunguna rito ang mga Koreano at sinundan naman ng mga Tsino, ito ay sa kabila rin ng Travel ban na inilabas ng gobyernong Tsina.
Dumarami narin ang mga turistang Malaysian, ang pinakabagong mga turista dito sa Isla. Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagtungo sa Malaysia ang ilang mga lokal na opisyal ng Malay kasam ang mga opisyal ng Department of Tourism region VI upang makipagkasunduan pangangalakal sa mga tagaroon sa ating bansa partikular sa Western Visayas.
Salamat naman at sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng Boracay ay nangunguna parin ito sa mga lokal at international na mga bisita. Kahit pa na mayroon mapagsamantalang mga tricycle driver na sobra-sobra maningil, tindero-tinderang mapagsamantala sa presyo. Isyu rin ng mga baku-bako at bahaing kalsada, at nakakadismayang tambak at kalat rito, kalat-doong mga basura.
Salamat naman! Lalu't naalis na ang mga komisyoner sa front beach ay maiiwasan naring madismaya at matakot ang mga turista mula sa mga mapagsamantala sa kanila.
Nawa ito ay senyales na tulo-tuloy na katanyagan at pag-usbong ng Isla at huwag itong abusuhin. Pagtutulungan nawa ng bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at katahimikan ng pinakamgandang beach sa mundo-- Boracay parin!
No comments:
Post a Comment