(Tina Mendoza)
Sinuway umano ng Friday’s Holdings, Inc. (FHI), subsidiary ng Boulevard Holdings, Inc. ng umano’y pamilya Panlilio, ang desisyon ng Court of Appeals (CA) nang pasukin umano ng kumpanya ang lupain sa Boracay na pagmamay-ari ni Mila Yap-Sumndad noong Marso 13.
Sa pangunguna ni Sheriff Melanie Z. Nanit, pinasok umano ng mga tauhan ng FHI ang pag-aari ni Mila Yap-Sumndad sa Boracay Station 1, bukod pa umano sa pagsira ng ilang kagamitan at pananakot sa ilang empleyado nito, may mga pagnanakaw pa umanong nangyari.
“Natakot ako sa mga ginawa nina Sheriff Nanit. Wala silang BREAK OPEN ORDER at tahasan silang pumasok, may mga dala pang mga maso, martilyo at iba pang kagamitan ang mga tauhan nila, may pulis pa na naglabas ng baril,” ani Mila Yap-Sumndad. “Nakakagulat na ang isang kumpanyang kasing-laki ng Boulevard Holdings eh kayang-kayang suwayin ang utos ng Court of Appeals. Paano na lang kaming mga lehitimong may-ari ng lupa dito sa Boracay?”
Sa isang resolusyong inilabas noong Disyembre 10, 2014, pinigil ng CA ang FHI at si Judge Rommel O. Baybay ng Regional Trial Court (Branch 132) ng Makati, mula sa pagpapatupad ng writ of execution na inilabas noong Pebrero 3, 2014 ng Makati RTC Branch 132. Ang nasabing writ of execution ay nagmula sa July 22, 2009 desisyon ng trial court kung saan ipinatutupad ang pagbenta umano ni Atty. Daligdig A. Sumndad ng pag-aari ni Mila Yap-Sumndad sa Boracay sa kumpanya ng mga Panlilio.
Si Atty. Sumndad ay ang hiwalay na asawa ni Mila Yap-Sumndad.
Ayon kay Mila Yap-Sumndad, pineke ang pirma niya sa Compromise Agreement sa pagitan ni Atty. Sumndad at ng FHI. Ang pagpeke ng pirma ni Mila Yap-Sumndad ay kinumpirma ng Crime Laboratory ng Camp Crame matapos ang isang masugit na pagsisiyasat.
http://www.abante-tonite.com/issue/mar3115/news_story07.htm#.VRoUO_mUcWE
No comments:
Post a Comment