Napalitan ng kalungkutan ang dapat sana'y kasiyahan ng isang pamilya galing Luzon na nagbabakasyon lamang sa Isla pangatlong araw ngayon. Ninakawan kasi ang isa sa kanila malapit lamang istasyon ng pulis sa Isla ng Boracay.
Ang miyembro ng pamilya na ninakawan ng wallet ay nakilala kay Evelyn Palsis Parañaque, 68 anyos at kasalukuyang nanunuluyan sa isang resort malapit din sa istasyon ng pulis, sa Brgy. Balabag.
Ayon sa biktima, bibili sana siya ng souvenir sa mga bangketang naroroon ng mapansin nito na nawawala na ang kanyang wallet sa loob ng kanyang dala-dalang sling bag. Agad naman nitong ipinaalam sa mga kapulisan ang nasabing nangyari.
Sinilip naman ng kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang CCTV ng malapit na resort subalit negatibong nakunan ang area.
Ang nasabing wallet ay naglalaman ngToronto Dominion Bank card, Senior Citizen's Card, Scotia Bank Card, 100 Canadian cash, at 50 USD.
Sa panayam naman ng Radyo Birada! sa biktima, may nakasalubong umano silang mag-ina kung saan ang maliit na bata ay humingi ng limos sa kanila. Binigyan naman ito ng ginang pero nagtataka siya kung bakit pa sinundan ng mga ito habang namimili ng souvenir kaya naman may duda ito na ang mga iyon ang kumuha.
Dagdag pa nito na marami umanong tao sa kanilang likuran na nakikisiksik habang namimili dahilan upang hindi niya napansin ang nangyari.
Ang insidenteng ito ay sa ilalim pa ng imbestigasyon ng mga kapulisan.
No comments:
Post a Comment