Bumaba ngayon ang bayarin ng kuryente sa AKELCO (Aklan Electric Cooperative, Inc. ) ngayong buwan ng Marso, 2015 ayon sa abisong inilabas at nilagdaan ng Officer-in-charge nito na si Engr. Pedro G. Nalangan, IV.
Para sa mga residential consumer, tinapyasan ng P0.0394/kwh ang bayarin mula sa nakaraang buwan na P10.8042/kwh. Bunga nito ang babayaran na lamang ay P9.8973/kwh. Samantala, para naman sa mga commercial consumer, ang babayaran na lamang ay P9.8577/kwh mas mababa ng P0.0396 kumpara sa nakaraang buwan ng Pebrero na P9.8973/kwh.
Samantala, paalala ng pumunuan ng AKELCO na maging responsable sa paggamit ng kuryente lalu ngayon tag-init na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng bayarin dahil sa malaking pangangailangan sa elektrisidad.
Dagdag pa rito, pinaalalahanan din ang publiko na ang rate per kilowatt hour ay maaring magtaas-baba depende sa mga kadahilanang kaugnay rito gaya ng mga generation charge o halaga ng elektrisidad, presyo ng WESM , System Loss at ang mga kahalintulad.
No comments:
Post a Comment