MALAY, AKLAN--Naging mainit na usapin ang kawalan ng trabaho
para sa mga mamamayang Malaynon sa ginanap na isang araw na Municipal Civil
Society Organization (CSO) assembly kahapon sa isang resort sa Poblacion,
Malay, Aklan.
Dinaluhan ang nabanggit na pagpupulong ng mga CSOs, POs, at
community/grassroots organizations. Pingunahan ni Gno. Mark T. Delos Reyes, Local
Government Operation Officer V ng Department of Interior and Local Government (DILG)
at ni Gng. Luz Templonuevo, Community Mobilizer, ang talakayan.
Nagsimula ang pagpupulong sa isang maikling orientation sa
malaking bahagi na ginagampanan ng mga non-government sectors (NGO’s) sa
pagsugpo ng kahirapan sa kanilang lokal na mga lugar. Nagkaroon din ng
eleksiyon ng mga opisyales na kakatawan mula sa CSOs sa Local Development
Council or the Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT) para maging kaagapay
ng Local Government Unit (LGU) sa paglulunsad o pagsasagawa ng mga pamamaraan
sa pagsugpo ng kahirapan sa pamayanan.
Ang ginawang talakayan sa mga pangunahing isyu ng kahirapan
at mga problemang kinakaharap ng bayan ay bibigyan ng kabatiran sa mga susunod
na mga pagpulong ng LPRAT upang maipaabot sa kinauukulang ahensiya ng
pamahalaang saklaw ng Grassroots Participatory Budgeting Process (GPBP), o mas
kilala sa dati nitong tawag na Bottom-up Budgeting.
Ang mga
mapagkasunduang proyekto at programa ng nabanggit na pangkat ay para sa
darating na 2016.
may reaksyon aqoe dyan kung nakapasa ka ng biodata or resume,tapos nabasa at pinag aralan pinirmahan ni mayor ceciron cawaling.para sa mga gusto makapagtrabaho or kung an sakto ilagay sa anuman ahensya or nasasakupan ng local government unit ng malay.inaaprobahan na ni mayor cawaling,bakit? hanggang ngayon wala pa aqoe trabaho at sabi sa office of the mayor.tatawagan na lang pag may bakante or pwesto na ilalaan.sa mga nag aaply.hopefully na matanggap aqoe sa dahilan nag aaply ng philhealth kala confirmed nakuha ko na mdr na original sponsored ko lgu ng municipal government malay aklan.kaya kinatutuwa ko at pinasasalamatan ko ang gobyerno ng malay.marinig at sagutin ang aking katanunggan.nasaan ang sagot at malinaw na pagtalakay .mababali ba sa nakita ko at resume ko pinirmahan na kinagagalang natin pinakamamahal alkalde ng malay ang pagbabalik na si ceciron dodong s cawaling.un aking muling hinihiling.makapag umpisa na kahit ano po maganda trabaho at magserbisyo na totoo na pinaghirapan ng u pagod .kinagagalak ko po .maraming salamat sa radio birada sinior segundo jimmy banares,kagawad nikkie boy cahilig,jhonny ponce,unga mark ordonia, jervy custodio.at sa lahat ng staff no.1 na radio birada.most popular advertising,spectacular radio birada station.once again thank you very much for your kind attention.public servants community services sitio laguna,catiklan,malay,aklan not other than LOUNEL BALOY SARCENO.concern citizen
ReplyDelete