Nanguna ngayon ang lalawigan ng Aklan sa may pinakamalaking kita sa buong rehiyon ng Western Visayas sa turismo ng taong 2014.
Kabuuang P87.7 bilyon ang kita ng Western Visayas noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT)-6.
Nakapagtala ang Aklan ng P43.78 bilyon kung saan ang malaking kita nito ay nagmula sa 1.472 milyon na turista na nagbakasyon sa Boracay.
Pumapangalawa rito ang Bacolod sa kitang P12.8B, sinundan ng Iloilo City na may P12.26B.
Ang natitirang P18.88B ay nagmula sa pinagsama-samang kita ng mga probinsiya ng Negros Occidental, Iloilo, Guimaras, Capiz, at Antique.
Lalu ngayong taon, bigtime na naman ang Aklan dahil sa Isla ng Boracay. Magiging record-breaking kasi ang pagdagsa ng turista kapwa lokal at international ngayong summer season.
Magsisimula ito sa Mahal na Araw o semana santa na kung saan Isla ng Boracay ang target ng mga milyung bakasyunista para magbakasyon kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan mula sa trabaho, eskuwela, at pangingibang bansa.
Mahigit isang buwan nalang ay darating din ang mga kalahok sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit dito sa Isla kung saan gaganapin ang kanilang dalawang magkahiwalay na ministerial meeting.
Matatandaan na una naring naghost ang ang Boracay sa pulong ng Supreme Court Chief Justices ng Association of Southeast Asian Nations para sa ASEAN integration.
Malaking selebrasyon din ang ginagawa tuwing Mayo 1, ang tinatawag na "Laboracay". Ito ay summer party celebration kung saan dinadayo pa ng ialng sikat na mga foreign at local tourist dahil sa magdamgang beach party.
Kaya namaN abala na naman ang mga opisyal ng lokal at probinsiyal na pamahalaan ng Aklan.
Bigtime na naman ang Aklan! Aming panawagan sana sa mga opisyal ay bigtime rin ang pagsasaayos ng mga kalsada, drainage system, daungan, at mga tanggapan ng pamahalaan dito sa Boracay--ang bread winner ng Aklan.
No comments:
Post a Comment