Matibay ang paninindigan ng Department of Education ni Secretary Armin Luistro, na simula sa susunod na taon ng paaralan ay itutuloy na ang K-12 program.
Gayunpaman, tutol rito ang pamunuan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pangunguna ng national chairman nito na si Benjie Valbuena.
Kapag naituloy na kasi o pilit ipatupad ang K-12 ay mawawalan ang libu-libong mga guro. Dagdag pahirap din ito sa mga magulag at mismong mga estudaynte ang dagdag na tatlong taon na palnong i-full implementation ng DepEd sa susunod na taon.
Sa ilalim ng programa, mandatory na sa mga kabataan na pumasok muna sa kinder, naim na taon sa elemnetarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior highshool bago magkolehiyo.
Totoong napag-iiwanan na sa 'requirements' ang ating mga mag-aaral at professional kumpara sa ibang bansa dahil hindi pa naipapatupad ang K-12 dito.
Kaya lang, hindi pinag-aralan at pinaghandaan ang nasabing programa. Hindi sa hindi handa ang Pilipinas para dito. Unang-una, dapat inasikaso ng pamahalaan kung saan nila itatapon ang mga guro at empleyado ng mga paaralan lalu na ng kolehiyo para naman hindi sila mawalan ng trabaho.
Kasabay rin dito ang dapat sana'y pinalwak na programa ng iskolarsyip ng pamahalaan para iwas pasanin naman sa dagdag gustusin ng mga magulang at estudyante ang ganito kahabang pag-aaral.
Kung ganito lang naman ang sistema, ang layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon o pag-aaral sa pamamagitan ng K-12 program taliwas naman sa kalgayan ng nasa gobyerno--sila muna kaya ang mag-K-12 para naman mapag-aralan nial ng husto ang situwasyong ito.
Samakatuwid, ang pamahalaan ay hindi pa nakapaghanda.
No comments:
Post a Comment