Wednesday, March 4, 2015

Opinyon: Simple lang pero makabuluhan

Marso--Ilang araw nalang ay graduation na naman. Abala na naman ang mga guro at mga opisyal ng paaralan upang paghandaan ito.

Gayunpaman, nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa school officials at magulang na gawing simple ngunit makabuluhan ang pagtatapos ng mga estudyante.

Payo ni Education Secretary Armin Luistro ang mga pamunuan ng paaralan na gamitin ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa 2015 budget.

Ang kontribusyon para sa annual yearbook, kung meron man, ay kinakailangang nasa boluntaryong pamamaraan lamang, maaaring magdonate ang mga miyembro ng Parent Teacher Associations (PTA) dahil ito ay boluntaryong kontribusyon.

Ito ay isang mahalagang paalala sa mga magulang anumang paglabag rito ay iulat lamang sa tanggapan ng DepEd sa inyong lugar.

Ang graduation ay nangangahulugang ng pagtatapos--ng pamamahinga sa mga paghihirap sa pag-aaral--pagpupuyat kung may asayment at proyekto, pagsusunog ng kilay kung may exam, problema kung walang pamasahe at baon.

Kaya sa panahon ng graduation gawing simple pero makabuluhan. 

No comments:

Post a Comment