Sabay na nagcounter blotter ang dalawang trabahante ng isang resort sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center matapos nagbugbugan sa isang bar sa Brgy Manocmanoc, Isla ng Boracay kagabi dahil lamang sa mga biruan.
Ang mga ito ay nakilalang sina Regine Tulugan, lalaki, 20 anyos at Joderick Librando, 28 anyos, isang steward. Ang dalawa ay pawang mga trabahante ng isang sikat na resort sa Isla ng Boracay partikular sa Brgy. Manocmanoc.
Ayon sa salaysay ni Regine habang nag-iinuman sa bar kasama ang dalawa pa nilang kasamahan sa trabaho, bigla umano siyang sinuntok ni Joderick sa kanyang mukha at kumuha pa umano ito ng matulis na bagay na itinutok niya sa leeg ni Regine. Nanlaban umano si Joderick ng suntukin nito ang nakaaway at pareho umano itong natumba.
Sa kabilang banda sa salaysay naman ni Joderick na hinampas umano siya ng bote ni Regine sa noo dahilan upang magtamo ito ng sugat at matumba. Nagtamo rin ng sugat ang kanang taenga nito. Agad naman umanong tumakbo si Regine para magtago.
Sa huli, habang nasa istasyon ng pulis nagkaayos ang dalawa at pananagutan ni Regine ang pagpapagamot sa kanyang nakaaway.
No comments:
Post a Comment