Tuesday, March 31, 2015

Opinyon: Tigilan bago lumubog!

Sabi ng isang turista sa kanyang tourguide, "ipinababatid sa kanya ang naging karanasan nito sa  pagbisita sa Isla ng Boracay:

Ang kontrobersyal na West Cove resort na nag-ooperate na walang mga kaukulang permit.
"Ito ba ang tinuturing niyong paraiso? Ito ay isang lungsod, sa dami ng gusali. 

"Dahil dito malamang ay hindi na ako babalik sa Boracay."

Taong 2006 pa nang pumutok ang balita at usap-usapang unti-unti na umanong lumulubog sa karagatan ang worl class tourist destination na Isla ng Boracay dahil sa hindi makontrol na pagtatayo ng mga gusali sa resort na hindi isnusunod sa batas at kakulangan ng "maayos na drainage system."

Pero hanggang ngayon wala paring nababahala rito.

Ayon sa Tourism Infrastracture and Economic Zone Authority o TIEZA na pangunahing problema ng Boracay ang pagbabaha sa mabababang lugar sa Isla. Resulta umano ito sa hindi pagtalima ng mga negosyante sa "building code" at mga ordenansa sa pagtatayo ng mga hotel at mga resort.

Sinasabing malapit na umanong maging kritikal ang sitwasyon ng pagbabaha sa Boracay kung saan malaking bahagi ng Isla ang maaaring maging bahagi ng dagat kung hindi agad maaksuyan ang sistema sa drainage.

Paano naman ang mga imbestor na nagpapatayo ng mga gusaling walang permit.

Mas mahirap yata kung isang empleyado ng lokal na pamahalaan ay naglalabas ng mga pekeng building permit.

Salamat at natanggal na kamakailan si Alan Beguija, empleyado ng munisipyo ng Malay na matapos mapag-alamang naglabas ng mga pekeng permit sa ilang mga gusali sa Isla ng Boracay.

Ang mga ganitong situwasyon ang nagpapalala sa Isla ng Boracay. Dapat namang managot ang managot. Dapat naring tigilan ang walang humpay na pagtatayo ng mga gusaling ito.

Huwag na nating hintayin pang lumubog ang Isla bago tayo magsisi.

No comments:

Post a Comment