Ipinadampot ng may-ari ng bahay sa So. Sinagpa, Brgy.
Balabag, Isla ng Boracay, Malay, Aklan ang isang lalaki matapos mapag-alamang
ito ay nagtrespassing sa kanilang residential area kaninang madaling araw.

Kasama ang isang saksi na nakilala kay Estilito Baldsimo III
y Apruebo, 34 anyos, agad nilang nilapitan ang nasabing lalaki upang kausapin
ito.
Nakilala ito kay George Gen Patricio y Bermil, 18
taon-gulang, at residente ng parehong lugar. Paliwanag niya na siya ay
nagsasagawa ng survey sa loob ng nasabing area at hinanap nito ang walo pa
niyang kasamahan.
Wala namang naipakitang ID ang suspek matapos itong hanapan
ng mga nasa bahay.
Napagkasanduan naman ng dalawang panig sa tanggapan ng
Boracay Tourist Assistance Center na ayusin ang nasabing nangyari sa Brgy.
Justice System.
No comments:
Post a Comment