KALIBO, AKLAN--Sinuntok di umano ng isang radio reporter sa Aklan ang isang milentante dahil lamang sa takdang paglilinis ng mga nasunog na kabahayan sa Purok 2, C. Laserna, sa bayang ito.
Sa ulat ng Kalibo PNP, hinarang di umano nina Jorge Calaor at Nenita Tugna, mga pinuno ng milentanteng grupo na KADAMAY at MAKABAYAN ang isang platoon ng 12IB Philippine Army ng Camp Jizmundo sa Libas, Banga, Aklan para sana magsagawa ng clean-up drive sa nasabing lugar.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga nabanggit na milentante at ng radio reporter na si Pablito Cabesilla Jr. Giit ni Cabesilla, na siya ang humingi ng augmentation sa nasabing pangkat kasama ang kanilang grupo sa radyo para sa nabanggit na aktibidad.
Nabatid na si Cabesilla ay residente rin ng naturang lugar at isa sa mga biktima ng sunog.
Ayon naman kay Calaor, dinuro-duro umano siya ng naturang mediaman at sinuntok pa sa kaliwang mukha nito.
Ang magkabilang panig ay kapwa nagpablotter sa himpilan ng pulisya.
No comments:
Post a Comment