ISLA NG BORACAY--Nagkatruma at nagtamo pa ng ilang sugat sa katawan ang apat na mga turista mula Maynila matapos itong mawalan ng oxygen habang nasa kanilang helmet diving activity sa islang ito partikular sa Station 3, Brgy. Manocmanoc.
Giit ng mga ito sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PNP station na muntikan na silang malunod kaya napilitan na lamang silang umahon sa ilalim ng tubig. Dagdag pa ng mga ito na hindi sila inintertina o inasikaso ang kanilang reklamo ng management ng nasabing aquasport activity.
Ang mga biktimang ito na pawang mga taga-Maynila ay sina Jay Cruz, Venus Villanueva, Princess Idely Espiritu at Maureen Olivar.
Salaysay ng mga ito na, habang nasa kasagsagan ng nasabing aktibidad ay napansin nila na tila nawawalan na ng oxyegen ang kanilang helmet. Bagaman nirepilan ng mga divers ng naturang kompaniya ang kanilang helmet ay hindi ito naging sapat, dahilan upang sapilitang umahon sila sa tubig.
Ang kasong ito ay inirefer ng kapulisan sa Department of Tourism para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment