ISLA NG BORACAY--Naging mapayapa at maayos ang pagbubukas ng klase kahapon, araw ng Lunes, Hunyo 1, sa buong probinsiya ng Aklan. Ito ang kinumpirma ni Dr. Jesse Gomez, Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) -Aklan.
Sa naging pahayag niya sa Radio Birada! sinabi nito na base sa ulat ng mga opisyal ng DepEd-Aklan ay 90% na nakabalik ang mga estudyante ng nakaraang taon.
Bagaman may mga ilan pang paaralan sa probinsiya ang gumagamit ng stage o ilang lugar maliban sa classroom sa pagsisimula ng pasukan kahapon, tiniyak naman nito na nagpapatuloy parin ang kanilang pagsasaayos ng mga sira at paglalaan ng mga pasilidad sa naturang mga eskuwelahan.
Ipinaliwanag din nito na nagpapatuloy parin ang DepEd sa pagtanggap ng mga gustong magpa-enroll na kung hanggang maaari ay hanggang sa Hunyo 5 na lamang para maisama sila sa listahan ng ahensiya sa pagtanggap ng mga materyales sa pag-aaral.
Ang mga susunod pang magpapa-enroll dito ay maaaring hindi na makakatanggap ng parehong pribelihiyo.
Samantala, pauli-ulit rin nitong ipinapaabot na ang lahat ng mga ambag na pera ay dapat bulontaryo lamang at hindi sapilitan.
Gayunpaman ang boluntaryong ambag na ito ay gagawin lamang sa Grade 5 hanggang Grade 10.
No comments:
Post a Comment