Monday, June 8, 2015

Opinyon: Boracay, paalam na nga ba?

Kasabay ng paglago ng turismo, ay pag-usbungan ng mga malalaking imbestor dala ang iba-iabng aktibidad sa Isla ng Boracay, samantalang hindi nito napapansin ang pagkasira ng kalikasan.

Nanawagan ngayon ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na unti-unti nang nawawala ang marine and coastal ecosystem sa Boracay sa kasalukuyan.

Ang JICA ay pangkat ng mga Hapon at Pilipinong mga siyentista. Napag-alaman sa kanilang limang-taong pag-aaral na ang mga korales sa Isla ng Boracay ay nangasisira na dahil sa mga tourism-related activities.

Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng kanilang malaking proyekto na Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management o CECAM.

Sa kanilang pag-analisa, kinalkula ng pangkat na ito ang mga korales na bumubuo sa Boracay ay bumaba ng 70.5% sa pagitan ng 1998 hanggang 2011. Napag-alaman din nila na ang pinakamataas na pagbaba ay 2008 hanggang 2011 kung saan ang mga turistang dumating ay umabot sa 38.4%.

Itinuturo ang kasiraang ito sa mga hindi namomonitor na mga snorkeling at diving activities sa mga lugar sa Boracay kung saan mayaman ang mga korales.

Dahil rito ay pinangagambahan ang posibleng pagguho ng buhangin sa dalampasigan. Ang coral reefs kasi ang nagpapababa ng impact ng alon sa beach.

Pinangagambahan rin ang pagging polusyon sa tubig na makasisira sa kalusugan ng tao dahil rito.

Mabahala nawa ang lokal na pamahalaan dito. Magpatupad agad ng mga batas ang mga kinauukulan sa pagsugpo nito bago paman mahuli ang lahat.

Huwag nawang ipagpalit ang mga pansamantalang economic gains sa pagpapanatili ng kalikasan ng Boracay o kung hindi ay paalam na Boracay!

No comments:

Post a Comment