Sunday, June 7, 2015

Independence Day gugunitain ni PNoy sa Iloilo

Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang selebrasyon ng ika-117 Independence Day sa darating na Biyernes sa Iloilo City, ayon sa MalacaƱang.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa Sta. Barbara sa Iloilo, gagawin ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa selebrasyon ng Independence Day.

Ipinaliwanag ni Valte na mahalaga sa kasaysayan ng bansa ang Sta. Barbara kung saan noong Nobyembre 17, 1898 sa kauna-unahang pagkakataon ay itinaas umano ang watawat sa Visayas sa inagurasyon noon ng revolutionary government na siyang nagbigay-daan para maging base ng revolutionary forces ang nasabing lalawigan.

Batay sa iskedyul ng Pangulo sa Hunyo 12, matapos umano ang makabuluhang pagtataas ng bandila sa Sta. Barbara ay magkakaroon ng speech si Pangulong Aquino at pagkaraan ay tutulak ito sa isang simbahan sa Molo District bago ang naka-iskedyul na vin d’honneur alas-10:00 ng umaga na gagawin naman sa ka­pitolyo ng Iloilo kung saan inaasahang may 50 ambassadors at mga miyembro ng gabinete at Kongreso ang dadalo.

c. www.abante.com.ph

No comments:

Post a Comment